| may babae daw ako sa kwarto?! | Sep 5, ’07 12:35 AM for everyone |
malakas na katok ang gumising sa akin, aba eh 3am pa lang, isang oras pa lang akong nakakatulog gawa ng pagre-review kc midterm na. ang landlady ko eh pinaratangan akong may kasama daw akong babae sa kwarto.
sabi ko, kahit tingnan pa niya durabox ko at bulsa ng pantalon, ni anino ng babae eh wala. badtrip yun, ang kwartong may babae eh sa katabi kong pinto pero ako napagbintangan, hindi na lang ako umimik at syempre, hindi ako sumbungero.
tulog-gising ng 6am kasi exam ng 7am. nasa banyo si boardmate na napakatagal maligo, weird na nga kasi, siguro eh may ginagawang kabalbalan na naman sa loob. bakit sa tagal ko na dito sa lucban, hindi pa rin ako masanay sa malamig na tubig paliligo
exam, mukha akong zombie sa puyat, langyang mga tanong sa exam, bakit tuwing gagawa ako ng kodiko eh hindi yun ang itinatanong? pero nag-aral talaga ako kaya chicken feed lang yung exam, minsan common sense lang at maiaaply ko rin pala natutunan ko sa national museum. sabagay, sino bang mag-iinteres na mangolekta at magpreserve ng mga lumot at algae?
after exam, punta ako sa publication office, tambak sa trabaho, daming pipiktyuran, may dapat tapusing artikels, etc. kabado pa ako, paano pag hindi pumasa sa editors. badtrip pa ang computers, bukod sa sira eh puno ng bulate, viruses, trojans, etc.
nalipasan na ako ng gutom kaya’t ng pag-uwi ko sa boarding house, dun ako nakaramdam ng panlalambot, pagod at gutom. engot, hindi na naman nag lunch. may stack ako ng pancit canton sa drawer, pwede na eto. walang pera eh. hindi malulugi ang lucky me hanggat may estudyanteng nag-aaral.
konting kamustahan ng mga boardmates at ayun, pinagtatawanan nila ako. asar talo pa. sabi ko nalang, pag kumatok ulit si landlady, aamin na akong sila ang gumagawa ng ganun.
matapos kong maligo at mag-ayos ng sarili, diretsong kama. kumatok sa pinto si landlady, parang chine-check ang mga kwarto, at pinagsabiohan akong wag magdadala ng babae. tumango lang ako at hindi na umimik, may sumpong ako nun dahil ang aking mata ay nagloloko na naman. matapos ang lahat, nahiga na ako at sana, may kayakap akong babae dito, masaya siguro yun. sa lahat, ayokong pagbibintangan ng mga nagay na hindi ko ginagawa. gudnyt